5 tindahan ng alahas nilooban sa mall sa Cebu; 4 sa 12 mga suspek patay, 5 pa ang naaresto
Patuloy na pinaghahanap ng mga pulis ang tatlo hanggang apat pang miyembro ng Ozamis Robbery Group na nanloob sa limang tindahan ng alahas sa JCentre Mall sa Mandaue City noong Sabado (Oct. 19) ng gabi.
Ayon kay P/Col. Jonathan Abella, direktor ng Mandaue City Police Office, sa kanilang pagtaya ay hindi bababa sa 12 ang miyembro ng grupong pumasok sa Mall.
Lima sa kanila ang hawak na ng mga pulis habang pinaghahanap ang tatlong iba pa na pinaniniwalaang may bitbit ng mga nanakaw na alahas at pera.
Kinumpirma din ni Abella na apat ang napatay na suspek matapos na manlaban sa mga otoridad.
Ang naturang grupo din ang nasa likod ng panloloob sa tindahan ng alahas at sanlaan sa loob ng Gaisano City Grand Mall sa Bacolod City noong August 2019.
Ayon kay Abella, ang panloloob ng grupo sa JCentre Mall ay parehong-pareho ng kanilang modus sa Gaisano sa Bacolod.
Inaalam pa kung magkano ang buong halaga ng alahas at cash na natangay ng mga suspek.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.