Apat na magkakapatid naiwan sa nasunog na bahay sa Caloocan; 2 patay, 1 sugatan
Patay ang dalawang batang babae, at dalawa pa ang nasugatan sa sunog na naganap sa Caloocan City, araw ng Linggo (Oct. 21).
Ang apat na batang biktima ay pawang magkakapatid.
Ayon sa Bureau of Fire Department, nagsimula ang Sunog sa Tupda Village, sa Barangay 8, Caloocan, Linggo ng madaling araw.
Matapos ang sunog ay nakita ang sunog na katawan ng batang si Mikmik Nardeya, 6 na taong gulang habang ang kapatid nito ay na si Jilian, 8 taon ay naisugod pa sa ospital pero idineklarang dead on arrival.
Ang dalawa pa nilang kapatid na sina Kian, 10 at Rodolfo, 5 ay ginagamot pa sa ospital.
Tiniyak naman ng City Social Welfare Department na tinutulungan nila ang mga bata.
Nabatid na wala sa bahay ang ama ng mga bata dahil nakulong ito bunsod ng kasong may kaugnayan sa ilegal na droga.
Habang wala din sa bahay ang kanilang ina nang mangyari ang sunog dahil bumili umano siya ng makakakain.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.