Paghahabol sa mga POGO na tiwali sa pagbabayad ng buwis ipinatutuloy ng ACT-CIS sa BIR
Ipinatutuloy ng ACT-CIS Partylist sa pamunuan Bureau of Internal Revenue (BIR) ang puspusang paghahabol at pagpapasara sa ilang sangay ng Philippine Offshore Gaming Operation (POGO) na hindi nagbabayad ng buwis sa gobyerno.
Ayon kay Cong. Eric Yap, Chairman ng Committee on Games and Amusement sa Kongreso, makatwiran ang patuloy na pagsalakay ng BIR sa mga pasaway na sangay ng POGO.
Base sa report ng ACT-CIS nasa P100-milyon na buwis ang hindi ibinayad sa pamahalaan ng Altech Innovations Business Outsourcing.
Ang Altech ay may tanggapan sa Paranaque at Pasay at kamakailan ay ipinasara ng BIR.
Nasa mahigit sa 1,000 empleyado na pawang Chinese national ang pinauwi muna ng mga tauhan ng BIR sa kanilang tirahan sa Paranaque at Pasay City, habang sila ang iniimbestigahan at habang sarado pa ang kanilang kumpanya.
Natutuwa ang ACT-CIS sa pagiging masigasig ng Task Force POGO sa paghahabol sa mga kahalintulad na kumpanya na gustong lokohin ang gobyerno.
Sinabi ni Yap, hindi puwede na hindi sila magbayad ng buwis lalo na ngayon ay kailangang-kailangan ng dagdag na kita ng gobyerno para tustusang ang napakaraming proyekto ng ipinatatayo ng Duterte administration.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.