Nasawi ang tatlo katao matapos sumiklab ang sunog sa isang supermarket sa Chile araw ng Linggo.
Ang insidente ay naganap sa gitna ng lumalalang protesta laban sa gobyerno dahil sa planong pagtaas sa pasahe sa public transport.
Dahil sa protesta, nagpatupad ng curfew sa buong Santiago City ang militar hanggang karaw ng Linggo.
Una nang inanunsyo ni Chilean President Sebastian Piñera noong Sabado na isususpinde na ang planong pagtaas sa pasahe.
Gayunman, hindi pa rin naihihinto ang mga kilos protesta kung saan hindi bababa sa 180 katao na ang naaresto at nasa 57 pulis ang nasugatan.
Mariing kinondena ni Piñera ang karahasan at idineklara ang state of emergency.
Nagsimula ang malawakang protesta noon pang araw ng Lunes.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.