Lalaki patay sa pananaksak sa Las Piñas

By Rhommel Balasbas October 21, 2019 - 04:12 AM

Nasawi sa pananaksak ang isang 44-anyos na lalaki makaraang saksakin ng live-in partner ng kanyang kapatid na babae sa Brgy. Talon 5, Las Piñas City.

Sa impormasyon mula kay Las Piñas Police Station chief Pol. Col Segundo C. Lagundi Jr., kinilala ang biktima na si Roderick Dorotea.

Sinubukang awatin ng biktima ang nag-aaway na kapatid at ang live-in partner nito.

Gayunman, pinagbuntunan siya ng live-in partner ng kapatid at sinaksak ng patalim.

Isinugod pa sa ospital ang biktima pero idineklara ring dead-on-arrival.

Ang suspek ay nasa kritikal na kondisyon matapos magtamo rin ng tama ng saksak.

Inaalam ngayon kung paano nakuha ng suspek ang saksak.

Sa kabila ng kondisyon, nahaharap pa rin ito sa kasong murder.

TAGS: las pinas, stabbing, las pinas, stabbing

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.