Pamilya sa Baras, Rizal pinaulanan ng bala; 2 patay

By Rhommel Balasbas October 21, 2019 - 02:22 AM

Patay ang dalawa kabilang ang isang 11 anyos na bata habang tatlo ang sugatan makaraang paulanan ng bala ang isang pamilya sa Baras, Rizal, Sabado ng gabi.

Kinilala ang mga nasawi na sina Jeszable Tolibas, ang 11 anyos na batang babae at Leimuel Tolibas, 20 anyos.

Ayon kay Baras police chief Major Carlos Hogat, nangyari ang krimen bandang alas-10:00 ng gabi sa isang relocation site ng gobyerno sa Barangay Pinugay.

Naniniwala si Hogat na posibleng nag-iisa lang ang suspek matapos matukoy ang posisyon ng pamamaril nito.

Namaril ang suspek mula sa isang bakanteng housing unit na may 50 metro ang layo mula sa mga biktima.

Isinugod sa Antipolo City Hospital ang dalawang Tolibas ngunit idineklara ring dead-on-arrival.
Ayon kay Hogat, patuloy nilang inaalam ang posibleng motibo sa krimen.

TAGS: Baras, Rizal, Shooting Incident, Baras, Rizal, Shooting Incident

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.