Sa anunsyo ng Department of Transportation (DOTr) araw ng Linggo, sinabing nagdesisyon ang Office of Transportation Security (OTS) na luwagan na ang polisiya sa pagdadala ng payong sa mga eroplano.
Ito ay matapos ang serye ng konsultasyon sa mga stakeholders.
Mayroon umanong matinding paghimok mula sa publiko na payagan na ang pagdadala ng payong sa flights ayon sa OTS.
Samantala, ang mahahaba o cane umbrellas ay mananatili pa ring bawal ayon sa OTS.
Ang pagbabawal sa mga payong ay dahil sa matutulis na bahagi nito na maaaring magdulot ng panganib para sa carry-on baggages.
MOST READ
LATEST STORIES