Bello, nilinaw na walang ipinatupad na deployment ban sa Hong Kong
Nilinaw ni Labor Secretary Silvestre Bello III na walang ipinatupad na deployment ban o mandatory repatriation sa mga overseas Filipino workers (OFW) sa Hong Kong.
Ayon sa kalihim, wala pang naibibigay na impormasyon ang Department of Foreign Affairs (DFA) at konsulado ng Hong Kong ukol sa posibleng pagpapauwi sa mga Filipino sa nasabing bansa.
Wala rin aniyang OFW ang nagpahayag ng pagnanais na umuwi ng Pilipinas.
Patuloy aniyang nakikipag-ugnayan ang DOLE sa DFA para sa pinakahuling sitwasyon sa Hong Kong.
Kasunod nito, hinikayat ni Bello ang publiko na maging maingat sa mga ibinabahaging post sa social media para maiwasan ang fake news.
Dapat aniyang tulungan ang mga OFW sa pamamagitan ng hindi pagbibigay ng mga pekeng balita o impormasyon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.