Panibagong malakas na aftershock naitala sa Tulunan, North Cotabato

Phivolcs photo

Tumama ang magnitude 4.8 na lindol sa Tulunan, Cotabato Linggo ng hapon.

Ayon sa Phivolcs, namataan ang pagyanig sa 25 kilometers ng Tulunan bandang 4:55 ng hapon.

May lalim ang lindol na 1 kilometer at tectonic ang origin.

Dahil dito, naramdaman ang intensity 2 sa Kidapawan City.

Samantala, instrumental intensities naman ang naitala sa mga sumusunod na lugar:

Intensity 5:
– Koronadal City

Intensity 3:
– Malungon, Sarangani

Intensity 2:
– Kiamba, Sarangani

Sinabi ng Phivolcs na ito ay aftershocks pa rin ng tumamang magnitude 6.3 na lindol noong October 16.

Wala namang naitalang pinsala sa lugar.

Read more...