4 suspek patay, 5 arestado sa pagnanakaw sa isang mall sa Mandaue city

By Angellic Jordan October 20, 2019 - 06:25 PM

Patay ang apat na suspek sa pagnanakaw sa isang mall sa Mandaue City, Cebu Sabado ng gabi.

Ayon kay Col. Jonathan Abella, direktor ng Mandaue City Police Office (MCPO), nasa 10 armadong lalaki ang nanloob sa dalawang jewelry store, isang sanglaan at money changer sa loob ng J. Centre Mall sa Barangay Bakilid bandang 8:00 ng gabi.

Ayon naman sa Bogo City Police Station, nasawi ang apat na suspek makaraan ang umano’y pagtatangkang kunin ang armas ng pulis nang maaresto sa Pulambato Port sa Bogo City.

Nakilala ang mga nasawing suspek na sina Kevin Andales, Wilfredo Enguito, Philip Taborada, and Glen Tairos.

Samantala, naaresto naman ang lima pang suspek na sina Jun Candelaria, 38-anyos; Arnel Cimafranca, 38-anyos; Julivy Quirante, 43-anyos; Roel Sumingit, 35-anyos at isa pang hindi nakikilalang lalaki.

Narekober sa mga suspek ang ilang armas, cell phone, libu-libong pera, mga kagamitan sa ginamit na getaway vehicles at mga damit.

Dinala na ang limang suspek sa Bogo Police City Station.

Nananatili namang at large ang iba pang suspek na posibleng may hawak ng mga alahas.

TAGS: cebu, J Centre Mall, Mandaue City, Pulambato Port, Robbery, cebu, J Centre Mall, Mandaue City, Pulambato Port, Robbery

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.