Ilang marijuana plants, nasamsam sa Oriental Mindoro

Nakumpiska ang ilang marijuana plant sa Oriental Mindoro, Linggo ng madaling-araw.

Ayon kay MIMAROPA police information officer Lt. Col. Socrates Faltado, natagpuan ang tatlong marijuana plants sa ikinasang ocular inspection bahagi ng Sitio Piit sa Barangay Bato sa bayan ng Bansud bandang 1:30 ng madaling-araw.

Nakatanggap kasi aniya ng impormasyon ang pulisya ukol sa umano’y marijuana cultivation area sa lugar.

Sa ngayon, patuloy ang operasyon ng pulisya para mahanap ang hinihinalang responsable sa pagtatanim ng nakuhang marijuana plants.

Read more...