Nangyaring gulo sa magkakapatid na Barretto, isang private matter – Panelo

By Chona Yu October 20, 2019 - 06:19 PM

Private matter.

Ito ang naging tugon ng Palasyo ng Malakanyang matapos personal na masaksihan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang sabunutan ng magkapatid na aktres na sina Gretchen at Marjorie Barretto sa lamay ng kanilang amang si Miguel.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Presidential spokesman Salvador Panelo na tanging si Pangulong Duterte na lamang ang makasasagot kung nagulat ito sa sabunutan ng magkapatid.

Dumalaw ang pangulo sa burol ni Miguel noong Miyerkules ng gabi, October 16, sa Heritage Park sa Taguig City.

Kasama ng pangulo sina Panelo at Senador Christopher ‘Bong’ Go.

Una nang inilarawan ni Go ang sabunutan nina Gretchen at Marjorie na parang eksena sa pelikula.

TAGS: Gretchen Barretto, Marjorie Barretto, Palasyo ng Malakanyang, Rodrigo Duterte, Gretchen Barretto, Marjorie Barretto, Palasyo ng Malakanyang, Rodrigo Duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.