Honesty at Competence, basehan ni Pangulong Duterte sa susunod na SC chief justice – Panelo
Honesty at Competence.
Ito ang magiging basehan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pagpili ng bagong Supreme Court (SC) chief justice kapalit ng nagretirong si chief justice Lucas Bersamin noong nakaraang linggo.
Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Presidential spokesman Salvador Panelo na sa ngayon, wala pang napipiling kapalit si Pangulong Duterte na papalit sa puwesto ni Bersamin.
Kabilang sa mga matunog na pangalan na posibleng pumalit sa puwesto ni Bersamin sina Associate Justices Andres Reyes Jr., Diosdado Peralta at Estela Perlas-Bernabe.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.