Panukalang gawing 2 taon ang probationary period ng mga empleyado, pinalagan ng Palasyo
Sinupalpal ng Palasyo ng Malakanyang ang panukala ng Ang Probinsyano party-list group na gawing dalawang taon sa halip na anim na buwan ang probationary period para sa mga empleyado bago gawing regular.
Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Presidential spokesman Salvador Panelo na sang-ayon ang Palasyo sa pahayag ni Labor Secretary Silvestre Bello III na hindi makatao at masyadong mahaba ang dalawang taon.
Sinabi pa ni Panelo na kilala si Pangulong Rodrigo Dterte na kontra sa kontraktuwalisasyon sa mga manggagawa.
Tiyak aniyang ivi-veto ni Pangulong Duterte ang anumang batas na labag sa kaniyang polisiya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.