Gretchen Barretto, sumagot sa mga paratang ng pamangkin na si Nicole

By Angellic Jordan October 20, 2019 - 03:16 PM

Photo grab from Gretchen Barretto’s Instagram story

Matapos mauwi sa gulo ang lamay ng ama na si Miguel Barretto, mas tumindi pa ang hidwaan ng pamilya Barretto.

Ito ay matapos maglabas ng mga paratang si Nicole Barretto laban sa kaniyang tiyahin na si Gretchen Barretto.

Gamit ang Instagran story, ibinahagi ni Gretchen ang mga screenshot kung saan makikita ang mga pahayag ni Nicole laban sa kaniya.

Sinabi ni Nicole na pumunta siya sa Amerika para mag-move on sa ginawang pang-aagaw umano ni Gretchen sa kaniyang dating nobyo na si Atong Ang.

Maliban dito, nagtapos din aniya siya ng kaniyang pag-aaral kasama na ang doctorate.

Sagot naman ni Gretchen, mayroong nakapagsabi sa kaniya na inaagaw ng pamangkin si Atong kay Claudine.

Samantala, ibinahagi rin ni Nicole na si Gretchen mismo, kasama ang boyfriend nito, ang umatake kay Marjorie sa lamay ng ama.

Dahil dito, sinabi ni Nicole na dinala niya palabas ng chapel si Gretchen para hindi na magkasakitan ang dalawang tiyahin.

Dito na aniya siya sinipa ni Gretchen at hinila ang kaniyang buhok kung saan muntik pa aniyan siyang matumba sa sahig.

Sagot naman ni Gretchen, inatake niya si Nicole para lamang depensahan ang kaniyang sarili.

Alam aniya niyang gusto siyang saktan ni Nicole at hindi para protektahan si Marjorie.

Bwelta pa nito, kapapanganak lamang ni Nicole ngunit hinahabol pa rin nito ang aniya’y “kliyenteng” si Atong.

Mainit pa rin ang palitan ng mga pahagay ng pamilya Barretto sa social media matapos ang nangyaring gulo sa lamay ng kanilang ama.

Photo grab from Gretchen Barretto’s Instagram story
Photo grab from Gretchen Barretto’s Instagram story
Photo grab from Gretchen Barretto’s Instagram story
Photo grab from Gretchen Barretto’s Instagram story
Photo grab from Gretchen Barretto’s Instagram story
Photo grab from Gretchen Barretto’s Instagram story
Photo grab from Gretchen Barretto’s Instagram story

TAGS: Gretchen Barretto, Nicole Barretto, Gretchen Barretto, Nicole Barretto

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.