Pangulong Duterte, dadalo sa enthronement ni Japanese Emperor Naruhito

By Chona Yu October 20, 2019 - 03:54 PM

Tuloy pa rin ang pagdalo ni Pangulong Rodrigo Duterte sa enthronement ni Japan’s Emperor Naruhito.

Ito ay kahit na naiulat nang mapopo-postpone ang parada para sa enthronement ng emperor dahil sa pananalasa ng Bagyong Hagibis.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Presidential spokesman Salvador Panelo na base sa kaniyang pagkakaalam, wala nang ibang aktibidad na dadaluhan ang pangulo maliban lamang sa enthronement and banquet.

Ayon naman kay Senator Christopher ‘Bong’ Go, bandang 5:30, Lunes ng hapon (October 21), tutulak ang pangulo patungong Japan.

Kasabay nito, sinabi ni Panelo na maaring magbigay ng tulong ang Pilipinas sa Japan para sa mga naapektuhan ng Bagyong Hagibis.

Normal na aniya na magbigay ng ayuda ang isang bansa sa mga bansang nangangailangan ng tulong.

TAGS: enthronement, Japan, Japanese Emperor Naruhito, Rodrigo Duterte, enthronement, Japan, Japanese Emperor Naruhito, Rodrigo Duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.