LOOK: Iskedyul ng burol ni ex-Senate Pres. Nene Pimentel

Photo grab from Sen. Koko Pimentel’s official Facebook page

Nakatakdang iburol sa tatlong lokasyon si dating Senate President Aquilino “Nene” Pimentel Jr.

Sa Facebook, inanunsiyo ni Senator Koko Pimentel na unang dadalhin ang mga labi ng kaniyang ama sa Heritage Memorial Park sa Taguig City mula October 20 bandang 7:00 ng gabi hanggang October 22.

Uumpisahan ang burol ng isang misa bandang 7:00 ng gabi.

Ililipat naman sa Senado sa Pasay City ang mga labi ni Nene Pimentel sa Miyerkules ng umaga, October 23.

Bandang Miyerkules ng hapon, dadalhin na ito sa Cagayan de Oro City Hall hanggang Biyernes ng umaga, October 25.

Ibabalik naman ang mga labi ni Nene Pimentel sa Heritage Memorial Park sa Taguig City sa Biyernes ng hapon.

Samantala, wala pang inilalabas na detalye si Koko sa libing ng kaniyang ama.

Nasawi ang dating Senate Presidente dahil sa lymphoma at pneumonia.

Read more...