Mga senador, nagluluksa sa pagpanaw ni dating Senate Pres. Nene Pimentel

By Ricky Brozas October 20, 2019 - 02:09 PM

Nagluluksa ang mga senador sa pagpanaw ni dating Senate President Aquilino “Nene” Pimentel Jr.

Sa statement, sinabi ni incumbent Senate President Vicente “Tito” Sotto III na nalungkot siya at ang kaniyang pamilya sa balitang pagpanaw ni Pimentel at tila nawalan umano sila ng “close relative.”

Sinabi ni Sotto na siya ang majority leader noon ni Pimentel at malapit sila sa isa’t isa, idolo rin umano niya si Pimentel.

Sinabi naman ni Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri na ang pagpanaw ni Pimentel ay malaking kawalan sa Mindanao at sa buong bansa.

Para kay Zubiri, si Pimentel ang aniya’y “one of the great pillars of our country’s democracy in the last 50 years.”

Sa kaniya namang bahagi, nagpasalamat naman si Senator Francis “Kiko” Pangilinan kay Pimentel para sa kaniyang mga sakripisyo sa bansa lalo na sa paninindigan laban sa diktadurya ng dating strongman Ferdinand Marcos.

Si Pimentel aniya ay freedom fighter at nagpapasalamat sila sa kaniyang serbisyo sa bansa.

Si Senator Sherwin Gatchalian naman ay nagsabing aalalahanin niya si Pimentel bilang champion ng local government units (LGUs).

Dahil aniya sa landmark measure na iyon ni Pimentel, ang local government code of 1991, ay napagtibay at nabigyan ng kapangyarihan ang LGUs sa buong bansa sa pamamagitan ng pagkakaroon ng sarili nilang mga kita at pagpapatupad ng pagbubuwis.

Si Pimentel ay sumakabilang-buhay bandang 5:00 ng Linggo ng umaga matapos ang pakikipaglaban sa lymphoma at pneumonia, ayon sa kaniyang anak na babae na si Commission on Human Rights (CHR) Commissioner Gwendolyn “Gwen” Pimentel-Gana.

TAGS: Aquilino ‘Nene’ Pimentel Jr., Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri, Senate President Vicente “Tito” Sotto III, Senator Francis "Kiko" Pangilinan, Sherwin Gatchalian, Aquilino ‘Nene’ Pimentel Jr., Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri, Senate President Vicente “Tito” Sotto III, Senator Francis "Kiko" Pangilinan, Sherwin Gatchalian

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.