Resulta ng imbestigasyon ng Senado sa umano’y drug recycling, walang epekto sa war on drugs campaign – Panelo
Nanindigan ang Palasyo ng Malakanyang na walang epekto sa anti-drug war campaign ni Pangulong Rodrigo Duterte ang findings ng Senate Blue Ribbon Committee na guilty at dapat na hatulan ng life imprisonment si dating Philippine National Police (PNP) chief Oscar Albayalde dahil sa pagkakasangkot sa isyu ng ilegal na droga.
Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Presidential spokesman Salvador Panelo, malinaw kasi na nalalantad sa publiko at naparurusahan ang mga sangkot sa ilegal na droga.
Katunayan, sinabi ni Panelo kung makaapekto man ito sa anti-drug war campaign, patunay lamang na matagumpay ang ikinasang programa ni Pangulong Duterte dahil ang mga kontra at sumasali sa operasyon ng ilegal na droga ay nadedemanda at nakukulong.
Sinabi pa ni Panelo na hindi rin matatakot ang mga pulis na magsagawa ng anti-drug operations sa pangambang madawit gaya ni Albayalde.
Natatapang aniya ang mga pulis at nangako naman ang pangulo na sasagutin niya ang mga pulis basta’t tama lamang ang kanilang ginagawa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.