Pangulong Duterte, wala pang mapipiling susunod na PNP chief
Wala pang napipiling permanenteng Philippine National Police (PNP) chief si Pangulong Rodrigo Duterte kapalit ni General Oscar Albayalde.
Sa panayam ng Radyo Inquirer, pinayuhan ni Presidential spokesman Salvador Panelo ang publiko na huwag paniwalaan ang kumakalat na post sa Facebook na si Lt. General Archie Gamboa na ang napili ni Pangulong Duterte at gaganapin ang change of command sa October 29 sa Camp Crame, Quezon City.
Sa ngayon, si Gamboa ang itinalagang officer-in-charge ni Pangulong Duterte sa PNP.
Ayon kay Panelo, huwag makinig sa mga kumakalat na tsismis.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.