Pagsampa ng kaso lay Albayalde suportado ni Magalong

By Ricky Brozas October 20, 2019 - 10:47 AM

Naghayag ng suporta si Baguio City Mayor Benjamin Magalong sa posibilidad ng pagsasampa ng kaso laban kay resigned Philippine National Police (PNP) chief Police General Oscar Albayalde dahil sa pagkakasangkot sa 2013 Pampanga drugs operation.

Sabi ng alkalde, lubos niyang sinusuportahan ang findings laban kay Albayalde dahil halata naman na malakas ang mga ibedensiya kahit circumstantial lamang.

Dapat aniyang managot si Albayalde sa tangkang panghihimasok sa kaso ng tinaguriang “ninja cops” nang siya pa ang hepe ng Pampanga police.

Si Albayalde ay posibleng maharap sa kasong paglabag sa Section 3 (a) ng Republic Act o ang Anti-Graft and Corrupt Practices Act at Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2001.

Samantala, nananawagan naman si Magalong sa mga police officers na sangkot sa diumanoy drugs recycling scheme na makipag-tulungan na lamang sa gagawing imbestigasyon ng mga otoridad hinggil sa kaso.

Pinuna din nito ang estilo ni Albayalde na panghuhuli ng mga natutulog na pulis sa mga presinto. Aniya, ang pagdadala ni Albayalde ng media kasabay nang panghuhuli sa mga natutulog na pulis ay may masamang impact lamang, dahil mawawalan na aniya ng tiwala ang publiko sa pulisya.

TAGS: albayalde, magalong, ninja cops, PNP, albayalde, magalong, ninja cops, PNP

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.