Umakyat sa pito ang bilang ng nasawi sa magnitude 6.3 na lindol sa Cotabato noong Miyerkules.
Pinakahuling casualties ay mula sa Alamada at Makilala bunsod ng cardiac arrest.
Pero hindi pa pinangalanan ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ang mga namatay.
Samantala, mahigit 50 katao naman ang nasugatan sa naturang malakas na lindol.
Ilan sa mga naunang kinumpirmang nasawi ang dalawang bata, isang 7 anyos na batang babae na nahulog sa gitna ng pagyanig at isang 2 anyos na batang babae na tinamaan ng debris habang isa naman ang inatake sa puso.
Ang NDRRMC update ay inilabas araw ng Sabado ilang oras lamang matapos magnitude 5.0 aftershock sa Cotabato.
MOST READ
LATEST STORIES