Pagawaan ng processed meat sa Caloocan nasunog

File photo

Nasunog ang isang pagawaan ng processed meat sa Samson Road, Caloocan City Sabado ng gabi.

Ayon sa otoridad, nagsimula ang apoy sa ikalawang palapag ng gusali na pag-aari ni Cesar Javier.

Nabatid na garahe ang nasa ibaba ng gusali, nasa ikalawang palapag naman ang repacking ng processed meat at residential area sa ikatlong palapag.

Umabot lamang ng unang alarma ang sunog na naapula 12:45 Linggo ng madaling araw.

Iniimbestigahan ang dahilan ng sunog at ang halaga ng natupok na ari-arian.

 

Read more...