P1.3M halaga ng shabu nasabat sa Caloocan City

By Noel Talacay October 20, 2019 - 04:05 AM

Nasamsam ng mga otoridad ang P1.3 milyong halaga ng shabu matapos ang ginawang buy-bust operation sa Phase 7 C, Kaagapay Road, Brgy. 176, Bagong Silang, Caloocan City Sabado ng gabi.

Matapos makabili ng droga ang poseur buyer ay agad inaresto ang mga suspek na sina Noe Bustillo Esplanada alyas Noe, Jericho Dumayan Buracan alyas Jericho at Jamel Amerol Modi alyas Jam.

Nailigtas naman ng mga otoridad ang dalawang menor de edad na sina alyas Bibe, 17-anyos at alyas Jana, 16-anyos.

Narekober ng mga otoridad mula sa mga suspek ang tinatayang 75 grams ng shabu na may street value na P1,350,000 at ang P500 na ginamit bilang buy-bust money.

Nakakulong na ang mga suspek sa Caloocan City Police Station at itinurn over naman ang dalawang menor de edad sa social welfare development ng nasabing lungsod.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

 

TAGS: 2 nailigtas, 5 arestado, buy bust, caloocan, Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, menor de edad, poseur buyer, 2 nailigtas, 5 arestado, buy bust, caloocan, Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, menor de edad, poseur buyer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.