Loan assistance program sa PLGUs at magsasaka, isinulong ng DA

By Noel Talacay October 20, 2019 - 03:52 AM

Nakikipagpulong ang Department of Agriculture (DA) sa Provincial Local Government Units (PLGUs) upang gumawa ng isang resolusyon para makapangutang ng pera sa Land Bank of the Philippines (LBP).

Ayon kay DA Secretary William Dar, ang nasabing hakbang ay sa ilalim ng Palay sa Lalawigan Program na magbibigay ng pahintulot sa mga PLGUs na humiram ng pera sa LBP upang gamitin na kapital para sa rice industry.

Nakipag-ugnayan na rin ang ahensya sa LBP upang magkaroon ng loan schemes na may maliit o zero interest para naman sa mga magsasaka.

Maliban dito, binawasan din anya ang mga kailangang mga dokumento para mas maraming mga magsasaka ang mahikayat na magloan.

Hinikayat naman ng kalihim ang mga PLGUs na gamitin ang mga hihiraming pera sa LBP upang ipambili ng drying at storage facilities na itatayo sa mga lalawigan at gawin itong available sa mga magsasaka.

Sa ganitong paraan anya, makakatulong na mapigilan ang patuloy na pagbaba ng presyo ng palay na direktang mabibili sa mga magsasaka ng palay.

 

TAGS: Department of Agriculture, Land Bank of the Philippines, palay, PLGU, Presyo, Secretary William Dar, utang, Department of Agriculture, Land Bank of the Philippines, palay, PLGU, Presyo, Secretary William Dar, utang

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.