Gretchen Barretto at kanyang ina nag-bonding sa mall

Claudine Barretto IG

Ibinahagi ni Claudine Barreto ang larawan at video ng bonding ng kanyang ina at ate na si Gretchen Barretto.

Nagkabati na sina mommy Estrella at Gretchen sa burol ng padre de pamilya na si Miguel.

Masaya si Claudine na nagkasama ang kanyang ina at ate Gretchen.

Mapapanood sa video na magka-akbay sina mommy Estrella at Gretchen habang naglalakad sa mall.

Kumain ang mag-iina at ilan pang kasama sa isang restaurant habang hinihintay ang mga abo ni Ginoong Barretto.

Ang bonding ni Gretchen sa kanyang mommy ay kasunod ng gulo sa pagitan nito at ni Marjorie Barretto sa burol ng padre de pamilya.

Read more...