Ilang bahagi ng Iloilo 10 oras na mawawalan ng kuryente ngayong araw
Nag-anunsyo ang National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) na magsasagawa ng isang maintenance activities sa lalawigan ng Iloilo ngayong araw ng Linggo, Oct. 20.
Base sa abiso ng NGCP, 10 oras na walang kuryente ang ilang bahagi ng Iloilo na magsisimula ng alas-7:00 ng umaga hanggang alas-5:00 ng hapon.
Dahil dito, apektado ang mga customer ng isa sa mga electric cooperative sa lalawigan na ILECO III.
Ang nasabing maintenance activities ay gagawin sa Natividad Substation ng Iloilo.
Humingi naman ng paumanhin ang pamunuan ng NGCP sa mga maaapektuhang residente kasabay ng pagtitiyak na bibilisan ang paggawa para maibalik agad ang supply ng kuryente.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.