2 patay sa enkwentro sa Caloocan City

By Len Montaño October 20, 2019 - 02:33 AM

Patay ang dalawang suspects sa buy bust operation na nauwi sa enkwentro sa Barangay Bagong Silang, Caloocan City araw ng Sabado.

Ayon sa Caloocan Police, nasawi sina Nelson Lorenzo at isang Mike Sultan sa gitna ng bentahan ng baril.

Naaresto naman ang apat na iba pang suspects.

Si Lorenzo ang umanoy lider ng gun for hire group na nagbebenta ng baril at droga.

Nabatid na sangkot din ang mga suspects sa nakawan sa ilang lugar sa Metro Manila kabilang sa Camanava area.

Ayon sa Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), isang pulis ang nagpanggap na buyer at bumili ng isang kalibre .38 na baril na nagkakahalaga ng P3,500.

Pero nagpaputok ang mga suspects nang natunugan na pulis ang bumili ng baril.

Dead on the spot sina Lorenzo at Sultan habang naaresto ang apat nilang kasama.

Narekober sa mga suspects ang dalawang kalibre .38 na baril, isang sumpak at 100 grams ng shabu na nagkakahalaga ng P200,000.

 

TAGS: 2 patay, 4 arestado, baril, caloocan, CIDG, enkwentro, gun-for-hire group, shabu, sumpak, 2 patay, 4 arestado, baril, caloocan, CIDG, enkwentro, gun-for-hire group, shabu, sumpak

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.