DA sa PLGUs: Direktang bumili ng palay sa mga magsasaka

Ikinatuwa ng Department of Agriculture (DA) na maraming mga provincial local government units (PLGUs) ang nagpakita ng suporta sa pagbili ng mga palay mula sa mga magsasaka.

Ayon kay Agriculture Secretary William Dar, mayroon ng 23 PLGUs ang nangakong direktang bibili ng palay mula sa mga magsasaka at tinayang aabot ang halaga nito ng P4.95 billion.

Dahil dito matutulungan ang mga magsasaka na makaahon sa patuloy na pagbaba ng presyo ng kilo ng palay sa bansa.

Ang mga lalawigan ng Isabela, Nueva Ecija, Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, Pangasinan, Nueva Vizcaya, Quirino, Tarlac, Pampanga, Bulacan, Cagayan, at Bataan ay nangakong maglalaan ng pondo para pambili ng palay at assistance program.

Noong October 15 naman ay nagkarron ng rice task force meeting ang mga PLGUs ng Kalinga, Mountain Province, Marinduque, Iloilo, Capiz, Bohol, Biliran, Zamboanga Sibugay, Sarangani at Agusan del Norte.

Ayon sa kalihim, ang pagsisikap ng ahensya sa pakikipag-ugnayan sa mga provincial governors ay unti-unti ng nakakaroon ng bunga.

Sa pamamagitan anya nito ay makatitiyak ang mga magsasaka na maibebenta ang kanilang mga palay sa katanggap-tanggap at tamang presyo.

 

Read more...