M3.8 na lindol naitala sa Isabela

Hindi nagdulot ng pinsala ang 3.8 magnitude na lindol na tumama sa Isabela, bandang 10:43, Sabado ng gabi, Oct. 19.

Naitala ang episentro ng lindol sa layong 46 kilometer sa silangan bahagi ng Divilacan ng nasabing lalawigan.

May lalim na 55 kilometer ang lindol at tectonic ang pinagmulan nito.

Ayon sa Phivolcs, walang inaasahang mga aftershock at mga intesity na dulot ng pagyanig.

Wala ring naitalang na may nasugatan na mga residente ng dahil sa lindol.

 

Read more...