Lalaki arestado sa Caloocan dahil sa droga at baril

By Noel Talacay October 20, 2019 - 01:07 AM

Caloocan PNP photo

Naaresto ang isang lalaki na may dalang baril matapos itong isumbong ng isang concerned citizen sa mga pulis sa 118 3rd St., Gen. Luna, Brgy. 11, Caloocan City Sabado ng hapon.

Nakilala ang suspek na si Mark Anthony Oaperina Roque o alyas Aplog, 32-anyos at residente ng 1049 Gen. San Miguel, Brgy. 4.

Narekober mula sa suspek ang isang baril na caliber 38 revolver na may lamang anim na bala.

Caloocan PNP photo

Maliban sa bairil, nakuha rin mula sa supek ang 15 grams na shabu na nagkakahalaga ng P54,000, limang gramo ng marijuana na nagkakahalaga ng P5,000, cash na P20,000 na umano’y galing sa pinagbentahang droga at isang digital weighing scale.

Nakapiit na ang suspek sa Caloocan City Police Station at nahaharap ito sa patong patong na kaso kabilang ang illegal drugs at pagdadala ng hindi lisensyagdong baril.

 

TAGS: arestado, baril, caloocan city, lalaki, Marijuana, shabu, arestado, baril, caloocan city, lalaki, Marijuana, shabu

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.