79 na atleta naospital sa Bohol dahil umano sa food poisoning

By Len Montaño October 20, 2019 - 12:56 AM

Naospital ang 79 atleta na kasama sa 3rd Congressional District Athletic Meet sa Candijay, Bohol dahil umano sa food poisoning.

Sumakit ang tiyan, nagsuka at nagka-diarrhea ang mga atleta kaya dinala sa Candijay Community Hospital.

Sumama ang pakiramdam ng mga biktima matapos kumain ng pork menudo.

Nabatid na dalawang baboy ang pinatay para sa pagkain ng mga atleta na inihanda ng 48 kitchen personnel at dalawang student-assistants.

Ayon sa pinuno ng ospital na si Dr. Alex Sumera, karamihan sa mga biktima ay ligtas at nakalabas na.

Hanggang Sabado ng hapon ay 12 atleta pa ang nananatili sa ospital.

Kumuha na ang mga tauhan ng Department of Education (DepEd) ng samples ng pagkain at ininom ng mga atleta gayundin ang rectal swabs ng ilang piling pasyente para sa pagsusuri.

 

TAGS: 3rd Congressional District Athletic Meet, 79 atleta, Bohol, candijay, deped, food poisoning, pork menudo, 3rd Congressional District Athletic Meet, 79 atleta, Bohol, candijay, deped, food poisoning, pork menudo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.