Gwardya sugatan sa pag-atake ng ‘Martilyo Gang’ sa mall sa Mandaue City

By Len Montaño October 20, 2019 - 12:02 AM

Sugatan ang isang gwardya nang nakawan ng anim na suspects ang isang pawnshop, dalawang jewelry shops at money changer sa J Centre Mall sa Mandaue City, Cebu Sabado ng gabi.

Ayon sa pulisya, pinasok ng mga naka-bonet na suspects ang side entrance ng mall, dinisarmahan ang mga gwardya saka ninakawan ang dalawang jewelry stores sa ikalawang palapag ng pasilidad kung saan nasugatan ang gwardya.

Mabilis na ninakawan ng mga armadong lalaki ang money changer at pawnshop saka binasag ang glass display ng katabing mga jewelry stores at tinangay at mga alahas at cash.

Paglabas ng mga suspects ay may nag-aabang sa kanilang mga motorsiklo at tumakas ang mga ito patungo sa Barangay Maguikay.

Ayon sa hepe ng Subangdaku Police Station na si Police Captain Marvin Fegarido, ang kilos ng mga suspects ay kapareho ng notoryus na “Martilyo Gang” robbery group na galing sa labas ng Cebu.

CDN Digital photo
CDN Digital photo
CDND Photo/ Norman V. Mendoza

TAGS: cebu, gwardya, J Centre Mall, jewelry shops, Mandaue City, money changer, naka-bonet, nakawan, pawnshop, sugatan, cebu, gwardya, J Centre Mall, jewelry shops, Mandaue City, money changer, naka-bonet, nakawan, pawnshop, sugatan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.