Gusali sa Tandang Sora, QC tinupok ng apoy

By Len Montaño October 19, 2019 - 11:16 PM

Sumiklab ang sunog sa Chateau Normand Building sa isang subdivision sa Tandang Sora, Quezon City Sabado ng gabi.

Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), umabot ang sunog sa ikalawang alarma.

Nagsimula ang sunog alas 6:49 ng gabi sa naturang gusali na nasa Carmel 3 Subdivision.

Wala namang nasugatan dahil walang tao sa gusali nang mangyari ang sunog.

Nabatid na nagsimula ang apoy sa ikatlong palapag ng Chateau Normand Building.

Iniimbestigahan ang dahilan ng sunog at halaga ng naabong ari-arian.

Naapula ang sunog alas 7:29 ng gabi.

 

TAGS: BFP, Carmel 3 Subdivision, Chateau Normand Building, ikalawang alarma, quezon city, sunog, Tandang Sora, BFP, Carmel 3 Subdivision, Chateau Normand Building, ikalawang alarma, quezon city, sunog, Tandang Sora

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.