Mga aftershock patuloy na nararamdaman sa Tulunan, Cotabato
Muli naman niyanig ng 4.9 Magnitude na lindol ang bayan ng Tulunan, lalawigan ng Cotabato bandang alas-07:44, Sabado ng gabi, Oct. 19
Naitala ang episentro ng lindol sa silangan bahagi ng bayan ng Tulunan sa nasabing lalawigan.
May lalim na 29 kilometer ang lindol at tectonic ang pinagmula nito.
Naramadaman ang mga intensity sa mga sumusunod na lugar:
Intensity III – Kidapawan City
Instrumental Intensities:
Intensity III – Malungon, Sarangani; Koronadal City
Intensity II – Tupi, South Cotabato
Intensity I – General Santos City
Bago nito, bandang alas-03:23 ng hapon ay nagkaroon ng pagyanig na may lakas na 4.1 magnitude sa nasabing lugar.
Kung saan naital ang Intensity III sa Makilala, Cotabato at Magsaysay, Davao del Sur.
Naramdaman din ang Intensity II sa Kidapawan City.
Ayon sa Phivolcs, ito na ang ika-620 aftershocks ang naitala sa Mindanao magmula nang yumanig ang magnitude 6.3 lindol sa Tulunan, North Cotabato noong Miyerkules, Oct. 16.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.