NBA star Bradley Beal, mananatili sa Washington Wizards

By Noel Talacay October 19, 2019 - 07:43 PM

Photo Credit: Kathy Willens/AP

Muling pumirma ng two-year contract extension ang all-star point guard na si Bradley Beal sa koponan ng Washington Wizards.

Ibig sabihin mananatili ang sikat na manlalaro sa basketball sa Wizards.

Nakasaad sa kontrata ni Beal ang player option nito sa pangalawang taon ng kanyang bagong kontrata at ibig sabihin nito, bago ang 2023 season, hindi siya lilipat sa ibang team.

Nais sana ng Washington Wizards nabigyan ng tatlong taong kontrata si Beal na nagkakahalaga ng $111 milyon, subalit pinili nito ang  two-year contract extension na nagkakahalaga ng $71.8 milyon.

Matatandaan na usap-usapan ang planong pagalis ni Beal sa Wizards kapag natapos ang kanyang kontrata sa 2020-2021 season dahil may natatanggap umano ito na mas malaking offer mula sa ibang koponan ng NBA.

Base sa record ni Beal noong nakaraang NBA season, nakapag tala ito ng  average na 15.3 points, 3 assists at 3 rebounds ngunit hindi ito naging sapat para umabot sa playoffs ang Washington Wizards.

TAGS: Bradley Beal, mananatili sa Washington Wizards, NBA, NBA star Bradley Beal, Washington Wizards, Bradley Beal, mananatili sa Washington Wizards, NBA, NBA star Bradley Beal, Washington Wizards

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.