2019 Miss Earth International Coronation Night, gaganapin sa lungsod ng Naga

By Noel Talacay October 19, 2019 - 07:29 PM

All set na ang venue sa lungsod ng Naga na gagamitin para sa 2019 Miss Earth International pageant.

Gagawin sa Jesse M. Robredo Coliseum ang nasabing pageant sa Oktubre 22 ganap na alas-7:00 ng gabi.

Ini-renovate ang pasilidad ng nasabing venue gaya ng mga dressing rooms na gagamitin ng mga kandidata.

Maliban sa mga kandidata, kayang ma-acomodate ang mahigit na 10,000 katao na maaaring manood sa nasabing
prestihiyosong pageant.

Sa nasabing lungsod na rin gagawing ang iba pang mga segment ng Miss Earth tulad ng resorts wear parade, talent competition at evening gown competition.

Si Tony Labrusca naman ang inaasahang celebrity guest performer sa coronation night ng Miss Earth International 2019.

TAGS: 2019 Miss Earth International, 2019 Miss Earth International Coronation Night, gaganapin sa lungsod ng Naga, Jesse M. Robredo Coliseum, naga city, 2019 Miss Earth International, 2019 Miss Earth International Coronation Night, gaganapin sa lungsod ng Naga, Jesse M. Robredo Coliseum, naga city

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.