Oil companies may price rollback sa susunod na linggo
Magpapatupad ng bahagyang bawas sa presyo ng mga produktong petrolyo ang mga kumpanya ng langis sa susunod na linggo.
Sinabi ng ilang industry player na bahagyang bumaba ang presyo ng petrolyo sa world market sa nagdaang linggo bukod pa sa magandang performance ng Piso kontra Dolyar.
Inaasahang mula P0.30 hanggang P0.40 kada litro ang tapyas sa presyo ng gasoline samantalang P0.15 naman bawat litro ang bawas sa halaga ng diesel.
Ang kerosene o gaas ay bababa rin ng mula P0.20 hanggang P0.30 kada litro.
Sa Martes ng umaga inaasahan ang paggalaw sa presyo ng nasabing mga petroleum products.
Wala namang inilabas na ulat ang mga kumpanya ng langis sa presyo ng cooking gas at auto LPG.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.