Johnson & Johnson ipina-recall ang mga baby powder sa US dahil sa asbestos

By Den Macaranas October 19, 2019 - 05:21 PM

(Photo by AP/Getty Images)

Ipinare-racall ng Johnson & Johnson ang 33,000 bottles ng kanilang baby powder na naibenta sa US makaraang matuklasan na nahaluan ito ng asbestos.

Ang asbestos sa mga naibentang baby powder ng J&J ay natuklasan sa ginawang product test ng Food and Drugs Administration (FDA).

Sinabi ng FDA na ang asbestos ay isang uri ng carcinogen na pwedeng magresulta ng kamatayan sa sinunang gagamit nito sa pamamagitan mesothelioma.

Kaugnay nito ay mabilis rin na bumagsak ang value ng J&J shares sa merkado bng 6-percent.

Ang 130-year old na kumpanya ay nahaharap sa iba’t ibang mga kaso mula sa kanilang mga consumers dahil sa sinasabing “impurities” sa kanilang mga produkto.

Sa kanilang pahayag ay sinabi ng J&J na kanilang aalamin ang nasabing ulat ng FDA na kanilang tinawag na “extremely unsual”.

Habang isinasagawa ng imbetigasyon ay nagpasya na ang nasabing kumpanya na magsagawa ng voluntary recall sa lahat ng baby powder na kanilang ginawa noong taong 2018.

Sinabi naman ng FDA na karawaniwang nakukuha ang asbestos sa mga building materials at industrial applications.

TAGS: asbestos, baby powder, BUsiness, Johnson & Johnson, US, asbestos, baby powder, BUsiness, Johnson & Johnson, US

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.