Sa kanyang inilabas napahayag, sinabi ni ADMU President Fr. Jose Ramos Villarin, SJ na humuhingi sila ng paumanhin hingil sa nasabing mga pangyayari.
“I deeply apologize for all the terrible hurt and pain our community has been going through the past few days. No one should ever feel unsafe in the classroom, in the office, on campus or anywhere in our community,” ayon pa sa kanyang pahayag.
Inamin rin ni Villarin na nagpapatuloy ang kanilang imbestigasyon hingil sa mga reklamo tungkol sa sexual harassment sa loob ng unibersidad.
“When both complainant and respondent are part of the same family, the load is heavier to bear,” pag-amin pa ni VIllarin.
Noong Martes ay kinalampag ng ilang mga mag-aaral at faculty members ang pamunuan ng ADMU kaugnay sa umano’y mabagal nilang tugon sa mga reklamo ng pangmo-molestiya na dinanas ng ilang mga biktima sa loob ng nasabing institusyon.
Nanawagan ang ilang mga mag-aaral at guro na maging transparent ang pamunuan ng Ateneo sa kanilang imbestigasyon at parusahan ang mga dapat parusahan.
Nauna dito ay tatlong professor mula sa English and Philosophy departments ang pinangalanan na sangkot umano sa pagsasamantala sa ilang mga estudyante.
Bilang tugon ay ipinagmalaki naman ni Villarin ang pagbuo ng Office for the Protection of Minors and Vulnerable Adults na nasa ilalim ng kanyang tanggapan.
Ang nasabing lupon ang mangunguna sa gagawing imbestigasyon kaugnay sa mga reklamo ng pagsasamantala sa ilang mga biktima.
Nanawagan rin si Villarin na lumantad ang ilan pang mga nabiktima ng sexual harassment sa ADMU para ito ay kanilang kaagad na matugunan.