Makilala, North Cotabato inilagay na sa state of calamity dahil sa lindol
Isinailalim na sa state of calamity ang bayan ng Makilala sa North Cotabato.
Kasunod ito ng naranasang malakas na pagyanig noong Miyerkules ng gabi.
Sa pagtaya ng lokal na pamahalaan ng Makilala, umaabot sa 18 sa 38 barangay ang naapektuhan ng lindol habang nasa 28 katao ang nasugatan.
Aabot naman sa halos dalawang libong pamilya ang naapektuhan ng pagyanig at higit sa 100 ang lumikas mula sa kanilang bahay.
Samantala, isang lalaki ang namatay ilang araw matapos ang malakas na lindol.
Kinilala ang nasawi na si Juanito Cepada residente ng Barangay Poblacion na nasawi makaraang atakihin sa puso.
Kaugnay nito, inirekomenda na ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council (MDRRMC) na ideklarang danger zone ang Barangay Luayon at ang bahagi ng Barangay Kisante dahil sa pinsalang dulot ng lindol.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.