Higit sa 400 aftershocks naitala kasunod ng malakas na lindol sa Mindanao

Inquirer file photo

Umaabot na sa 450 na aftershocks ang naitala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) matapos ang magnitude 6.3 na lindol na yumanig sa Mindanao noong Miyerkules ng gabi (Oct. 16).

Sabado ng umaga ay naranasan ang malalakas na aftershocks sa Tulanan, North Cotabato na epicenter ng pagyanig.

Naitala ng lindol sa magnitude 5 na naramdaman rin hanggang sa General Santos City at sa  Kiamba, Sarangani.

Naitala ang pagyanig bandang 6:52 Sabado ng umaga.Naramdaman ang lindol sa Kidapawan City (Intensity IV): Tupi, Koronadal City, and Tampakan, South Cotabato (Intensity III); at General Santos City (Intensity II).

Naitala ang Instrumental intensities sa Malungon, Sarangani; Koronadal City, South Cotabato (Intensity IV); Kidapawan City; General Santos City; Alabel, Sarangani; Tupi, South Cotabato; Davao City (Intensity III); at Kiamba, Sarangani (Intensity I).

Biyernes ng gabi ay dalawang magkasunod na aftershocks ang naitala sa bayan ng Tulanan.

Bandang 6:56 biyernes ng gabi nang maramdaman ang magnitude 4.7 na lindol at sinundan ng magnitude 4.3 bandang 9:54 ng gabi.

Read more...