Mga Pinoy sa Lebanon binalaan sa posibleng pagsiklab ng kaguluhan

By Jimmy Tamayo October 19, 2019 - 11:38 AM

AP

Pinayuhan ng embahada ng Pilipinas ang mga Filipino sa Lebanon ng ibayong pag-iingat at umiwas sa mga lugar na maraming tao.

Ito ay sa gitna na rin ng mga kilos protesta sa nasabing bansa partikular sa Beirut.

Sa Facebook page ng Philippine Embassy,  pinapayuhan nito ang ating mga kababayan na manatili na lamang sa bahay.

Nagbigay din ang embahada ng numero na maaaring tawagan para sa emergency assistance : 03859430.

Libo-libong tao ang nakiisa sa kilos protesta sa ibat-ibang lugar sa Lebanon para ipanawagan ang pag-aalis sa kanilang lider na inakusahan nila ng paglustay sa kaban ng bayan.

Sa Beirut, nauwi sa gulo ang pagkilos kung saan gumamit ng tear gas ang mga pulis laban sa mga raliyista.

Sa pagtaya ng Department of Foreign Affairs, nasa 27,812 ang mga Filipinos sa Lebanon.

TAGS: beirut, DFA, Lebanon, mass protest, Rally, beirut, DFA, Lebanon, mass protest, Rally

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.