Nakapasok na sa lalawigan ng Pangasinan ang African Swine Fever o ASF.
Kasunod ito ng kumpirmasyon ng Department of Agriculture (DA) at Bureau of Animal Industry (BAI) na positibo sa ASF virus ang mga blood samples mula sa namatay na baboy sa Barangay Apalen sa bayan ng Bayambang.
Sinabi ni DA Region 1, Chief Regulatory Division Dr. Florentino Adame, positibo sa ASF ang 30 blood sample na kinuha sa mga baboy.
Dahil dito, agad na nagpatupad ng 1-7-10 quarantine procedure sa lugar kung saan kailangan na isailalim sa culling operation ang mga baboy na saklaw ng 1-kilometer radius.
Sa 1-7-10 quarantine protocol, isasailalim sa culling operation ang mga baboy na sakop ng 1 kilometer radius mula sa lugar na apektado ng ASF.
Kasabay nito, magkakaroon ng blood sampling at animal checkpoint sa mga barangay na nasa 7-kilometer radius at hindi naman papayagang makapasok o makalabas ang mga baboy na nasa 1-7-10 quarantine.
Inatasan na rin ang mga puno ng barangay na magpatupad ng mahigpit na inspeksyon sa mga hog raisers sa kanilang lugar.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.