Magandang aktres ipinagpalit sa gay politician – Wacky Leaks

January 12, 2016 - 11:10 PM

 

den-macaranas1Isang local government official ang third party sa paghihiwalay ng isang aktor at maganda niyang akttes na girlfriend.

Hindi po ang aktres ang sinulot ni Mr. Local Official kundi ang aktor.

Sa sama ng kanyang loob ay binisto ng aktres ang tunay na dahilan ng kanilang hiwalayan.

Sinabi ng aktres na house and lot ang ibinigay ni Mr. Local Official sa kanyang dating BF na isa sa mga paboritong actor ng isang TV network.

Malayo na rin ang narating ng aktor bilang isang sikat na dramatic at kung minsan ay isinasalang na rin sa ilang action flicks.

Nakakapagtaka dahil pinatulan niya ang indecent proposal ng nasabing opisyal.

Dati na ring na-link si Mr. Local Official sa isang Machong TV reporter pero hindi rin nagtagal ang kanilang love affair dahil sa grabeng panlalait na inabot ng nasabing reporter sa kanyang mga kasamahan sa network.

Kung dati ay hanggang mamahaling laptop at secondhand car lang ang inireregalo ni Government official ngayon ay naglevel-up na ito dahil mataas din naman ang ratings ng dyowa niyang aktor.

Sabi nga ng ilang bading sa showbiz, ang haba daw ng hair ni government official dahil kung baga sa sasabunging manok ay pang-derby ang bago niyang Boylet.

Pero may limitations ang relasyon. Hindi pwedeng maging lantad ang relasyon dahil masisira ang showbiz carreer ng aktor.

Ang aktres na umuusok ang ilong sa galit dahil ipinagpalit siya ng kanyang dyowa sa isang baklang pulitiko ay si Actress M…as in Maganda.

Ang aktor na nang-iwan kay aktres ay produkto ng isang reality show ay si Actor G….as in Gentleman.

Ang local official na nagregalo ng bahay sa aktor at matagal ng kilala sa kanilang lalawigan bilang “Manay” ay si Mr. J….as in Joy ang itawag mo sa akin. #

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.