Isang magnitude 5 na aftershock ang naramdaman sa bayan ng Tulanan, North Cotabato Sabado ng umaga.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) tectonic ang lindol na naitala alas-6:52 ng umaga.
Ang epicenter ng lindol ay nasa 18 kilometro timog silangan ng Tulanan kung saan tumama ang magnitude 6.3 na lindol noong Miyerkules ng gabi.
Ang pagyanig ay may lalim na 27 kilometro.
Sinabi ng Phivolcs na asahan pa rin ang mga pagyanig sa mga nilindol na lugar sa Mindanao.
MOST READ
LATEST STORIES