outbrain

Pulis at suspect patay sa enkwentro sa Bulacan

By Len Montaño October 19, 2019 - 04:44 AM
File photo

Kapwa nasawi ang isang pulis at isang suspect matapos mauwi sa enkwentro ang operasyon sa Bulacan.

Patay ang pulis na nakilalang si Corporal Tamaliwan sa follow-up operation sa bayan ng Plaridel.

Ayon sa pulisya, nagreport ang isang kapitan ng barangay kaugnay ng paggala ng suspect sa lugar.

Nang puntahan ng otoridad ang lugar ay agad na nagpaputok ang suspect, dahilan para gumanti ang mga pulis.

Nagawa pang makatakas ng suspect at patuloy na nakipagbarilan sa otoridad habang nagtatago sa isang bahay hanggang tamaan ito ng otoridad.

Sa gitna ng enkwentro ay tinamaan si Tamaliwan.

Nadala pa ang pulis sa Dr. Peralta Hospital pero idineklara itong dead on arrival.

 

TAGS: Bulacan, dead on arrival, enkwentro, follow up operation, patay, plaridel, Pulis, suspect, Bulacan, dead on arrival, enkwentro, follow up operation, patay, plaridel, Pulis, suspect

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.