Mag live-in partner arestado sa buy bust sa QC

Arestado ang mag live-in partner sa buy bust operation sa Quezon City araw ng Sabado.

Ayon sa Quezon City Police District (QCPD) Station 7, ang mga suspects na sina alyas Junjun at alyas Maritess ay mga drug surrenderees.

Ikinasasa ang operasyon sa bahay ng magka live-in sa No. 23 Zambales St, San Martin de Porres.

Matapos magpositibo ang pagbili ng isang pulis ng P500 halaga ng shabu, agad inaresto ang dalawa.

Itinanggi ng babae na nagtutulak sila ng droga pero ang lalaking suspect ay aminado na kanya ang nakumpiskang shabu.

Nakuha sa dalawa ang 17 sachet ng shabu na nagkakahalaga ng P6,800.

 

Read more...