13 katao arestado, 30 armas nakumpiska sa raid sa Cebu City

Cebu City PIO photo

Arestado ang 13 katao at nakumpiska ang iba’t ibang uri ng mga armas sa raid sa magkakahiwalay na barangay sa Cebu City.

Pinakamaraming nakumpiska mula sa magsasaka na si Mark Villardo na nagtatago ng 17 na mga baril at mga bala.

Ayon sa Naval Forces Central, 12 iba pa ang inaresto matapos makuhanan ng mga baril at bala sa kani-kanilang mga bahay.

Nakilala ang mga suspects na sina Robert Fabroa, Richard Bacayan, Ancelmo Bacus, Tuting Racoma, Amy Sequera, Alejo Pador, Celso Narra, Dominador Bontuyan, Wenefredo Jayme, Jonard Arcilla, Mark Villardo, Casimiro Pelones, at Berto Contago.

Cebu City PIO photo

Kabilang sa mga nakumpiska ang sniper rifle, AK-47 assault rifle at M16A1 Colt Assault rifle.

Iniimbestigahan ng otoridad kung saan nanggaling ang mga armas ng mga suspects na nahaharap sa kasong illegal possession of firearms.

 

Read more...