Higit 60 patay sa pagsabog sa mosque sa Afghanistan

By Len Montaño October 19, 2019 - 03:31 AM

AP photo

Hindi bababa sa 60 katao ang nasawi sa pagsabog sa isang mosque sa Afghanistan araw ng Biyernes.

Nangyari ang pagsabog sa gitna ng pagdarasal ng mga tao sa mosque.

Kabilang sa 62 na mga namatay ang mga bata at mga kalalakihan.

Ayon sa otoridad, 36 na iba pa ang nasugatan sa pag-atake ng mga militante.

Iniimbestigahan kung suicide bomber ang nasa likod ng insidente o ibang paraan ito ng pagsabog.

Walang umako ng responsibilidad sa pagsabog pero parehong aktibo ang mga grupong Taliban at Islamic State sa Silangan ng Afghanistan lalo na sa probinsya ng Nangarhar.

 

TAGS: 36 sugatan, 62 patay, afghanistan, Islamic State, militante, mosque, pag-atake, pagsabog, suicide bomber, Taliban, 36 sugatan, 62 patay, afghanistan, Islamic State, militante, mosque, pag-atake, pagsabog, suicide bomber, Taliban

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.